Wednesday, May 21, 2008

Kabataan
by: FM



Nasa iyo ang agimat, ang agimat na nagtataglay
Ng tagumpay mo at pangarap mo at pagasa sa buhay mo
May pamilya kang aalalay, may kaibigang tutulong sa'yo
Ang tangi mo lamang gawin ay makiisa sa sariling bayan mo

Refrain:
Ngunit kahit na maraming problema ang humahadlang sa'yo
Hindi dapat sumuko ang isang katulad mo, dahil ang...

Chorus:
Kabataan ang pag-asa ng bayan
Nasa atin ang kaalaman at prinsipyo sa buhay
Hindi hadlang ang kahirapan sa ating mga nagsisikap
Basta't marunong magtiyaga, ika'y magtatagumpay
Dahil nasa dugo nating mga kabataan
Ang lumaban, ang lumaban sa hamon ng buhay
(sa hamon ng buhay) oh... oh...

Kahit saan naroroon, hindi papipigil sa panahon
Basta't may kasama kang aalalay at gagabay sa'yo
Siguradong may magmamahal sa'yo at siguradong magmamahal ka
Tanggapin mo na lang ang tadhana na kailangan mo munang magsikap.

(Repeat Refrain and Chorus)

Bridge:
Hindi tayo umuurong hangga't walang nagagawa
Kahit na maraming hadlang tayo'y nakakaligtas
Ganyan ang kabataan at ganyan ang Pilipino
Walang katulad, walang katulad...

(Repeat Chorus up to the last 2 lines, then repeat again the complete then fade...)

_+eNd+_

No comments: